May kinalaman sa trabaho bilang barangay police ang pagkamatay ng isang technician na tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, nitong Lunes ng hapon.

Dead on the spot si Joey Dela Cerna, 42, ng 3rd Avenue Grace Park, Barangay 20, ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa report, dakong 1:20 ng hapon at naglalakad si Dela Cerna sa Bgy. 20 nang salubungin siya ng suspek at pinagbabaril nang malapitan kahit pa maraming tao sa lugar.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sinabi ng mga kapitbahay ni Dela Cerna na kilala ang huli sa pagiging tapat na barangay tanod at marami itong sinisita sa paglabag sa mga ordinansa ng barangay. (Orly L. Barcala)