NAGSIMULA bilang experimental team-up sa Ang Diary ng Panget noong 2014, isa na love team nina James Reid at Nadine Lustre sa pinakasikat na Pinoy love teams ng kanilang henerasyon. Mas kilala bilang JaDine, naging makatotohanan ang on-screen romance ng dalawa.

Ngayong Marso, mapapanood na sila ng kanilang fans sa Middle East at Europe sa Jadine In Love World Tour sa Doha, Dubai, London at Milan. 

Kasunod ng internet-breaking 4M tweets, all-time high ratings ng On the Wings of Love (OTWOL) finale wedding, mapapanood na ang JaDine sa March 18 sa Doha Convention Center sa Qatar; March 19 sa Al Nasr Leisureland sa Dubai; March 26 sa ExCel London; and March 27 at the Palasesto sa Milan.

Sa maikling panahon lamang, nagkaroon na ng worldwide following ang dalawa, na tumawid mula pelikula (Talk Back and You’re Dead), music hanggang sa sa telebisyon. Ngayon, sasakupin naman nila ang concert scene.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nang nagpasaya sa OTWOL Certified Kapamilya Fans Day sa Sacramento California noong Enero at nag-perform sa standing room only (SRO) crowd sa Araneta Coliseum sa Pilipinas, magpe-perform naman ang JaDine ng iconic hits tulad ng Bahala Na, On the Wings of Love theme, at iba pa sa Middle East at Europe leg at hindi na mapipigilan ang excitement ng fans.

Sasamahan sila nina Yeng Constantino, Jay R at Doris ‘Tart’ Carlos ng Ang Probinsyano, sa one-night, four-city concert.

Mabibili rin ang official merchandise ng Jadine In Love sa mga venue sa araw ng event.

Ang JadINe LOVE World Tour ay gaganapin sa March 18 sa Doha Convention Center sa Qatar; March 19 sa Al Nasr Leisureland sa Dubai; March 26 sa ExCel London; at March 27 sa Palasesto sa Milan.  Sold out na ang tickets sa Dubai pero may chance pa ang mga Kapamilya sa Doha, London at Milan. Para sa updates para sa tickets, bisitahin angemea.kapamilya.com