GERONA, Tarlac - Naliligo sa sariling dugo at halos sumambulat ang utak ng isang binata matapos siyang paghahatawin ng steel pipe sa ulo ng kanyang bayaw sa Sembrano Farm, Barangay Don Basilio sa Gerona, Tarlac, at hinalang selosan ang motibo sa krimen.

Ang pinaslang ay si Nestor Gandones, 54, binata, ng Bgy. Balite, Pura, Tarlac, habang nadakip naman si Virgilio Hermano, 42, bayaw ng biktima, ng Aritao, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na nangyari ang insidente dakong 11:00 ng gabi, nanonood ng telebisyon ang biktima sa barracks ng farm nang biglang pumasok si Hermano at pinaghahataw siya ng tubo sa ulo at likod, na agad niyang ikinamatay.

Sa follow-up investigation ni PO2 Artem Balagtas, labis umanong nagalit ang suspek nang mabalitaang may nakarelasyong babae ang biktima sa farm, na pinaniniwalaang ipinagselos ni Hermano. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae