DJ DURANO copy copy

ISA sa nakakilala nang husto kay Direk Wenn Deramas ang ilang taon din naman niyang naging alaga at sobra pa sa kaibigan na si Deejay Durano. Kaya nga nang makarating sa kanya ang nangyari kay Direk Wenn ay napahagulgol siya ng iyak.

Although may ilang taon na rin naman siyang napahiwalay kay Direk Wenn, hindi naputol ang komunikasyon nilang dalawa.

“Alam naman ng lahat na siya ang mentor ko at siya ang nagbigay sa akin ng mga break ko sa showbiz. Sobrang kawalan siya hindi lang sa akin kundi sa buong industry. Sobrang nakakalungkot,” pailing-iling na banggit ni DJ sa unang araw ng pakikiramay niya sa yumaong box office director.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

 

Ikinuwento ni DJ na kinausap pa siya ni Direk Wenn at binanggit na malapit nang magsimula ang bago nilang project.

Kahit naman daw kasi nagkaroon sila noon ng malaking tampuhan ay nagkaayos naman sila.

Katunayan, kahit may tampo pa sa kanya noon si Direk Wenn, ipinapakiusap pa rin siya nito sa mga kaibigang direktor na bigyan siya ng trabaho.

“As always, lagi niyang ipinaalala sa akin na pinaghihirapan ko raw ang anumang meron ako ngayon. Sobrang dami niyang mga ibinigay na lesson sa akin. Basta ang masasabi ko lang, eh, walang DJ Durano kung wala ang isang Direk Wenn,” teary-eyed pang banggit ng actor.

Habang buhay ang pasasalamat niya dahil mey Direk Wenn Deramas na dumaan sa buhay niya.

“Laging sinasabi rin sa akin ni Direk na hindi raw ako dapat nakakalimot at dapat daw may gratitude ka sa lahat.

Kumbaga, ‘yung talent lang, eh, andiyan lang pero kung marunong kang lumingon sa pinanggagalingan mo, marunong kang makisama kahit sa mga maliliit na tao sa industriya,’yun ang magdadala sa ikakaganda ng buhay mo,” sey pa rin ni DJ Durano. (JIMI ESCALA)