MEYCAUAYAN, Bulacan – Kumpiyansa si Vice President Jejomar C. Binay na wala nang makapipigil pa sa kanyang pagkapanalo sa May 9 presidential elections matapos lumitaw sa huling survey ng Pulse Asia na dikit na sila ni Sen. Grace Poe sa Number One slot.

“I am very grateful to all of our kababayan. This is unstoppable. This will go on,” masayang pahayag ni Binay.

Lumitaw sa survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong Pebrero 15-20 na isang puntos lang ang lamang ni Poe na nakakuha ng 26 porsiyento habang 25 porsiyento naman ang nakuha ni Binay mula sa boto ng 1,800 respondent.

“You see, I got a 10 percent increase in the NCR (National Capital Region),” pagmamalaki ng standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang dalawang buwan na lang ang nalalabi bago ang halalan, nakabuntot naman sina PDP Laban standard bearer Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party presidential bet Mar Roxas kina Poe at Duterte.

Sa huling survey ng Pulse, kapwa umani sina Duterte at Roxas ng 21 puntos habang umani si Sen. Miriam Defensor Santiago ng tatlong porsiyento.

Tumanggi naman si Binay na ibunyag ang kanyang “secret formula” sa pag-arangkada ng kanyang survey rating.

(ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)