Taylor and Brittany copy copy

BAGAY na bagay si Taylor Swift na maging maid of honor.

Ibinahagi ng pop star singer ang litrato nila ng kanyang childhood best friend na si Brittany LaManna na kuha sa araw ng kasal nito. “I met her when I was 10 days old, and him in kindergarten,” pagbabahagi ni Swift sa kanyang Instagram account. “Now they’re married and I’m the happiest maid of honor ever.”

Ibinahagi naman ng bride ang video ng kanyang kasal, mapapanood ang sweet toast ni Taylor na halos maluha sa sobrang saya para sa matalik na kaibigan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“He would chase her and pursue her through middle school and junior high and high school, and their paths would diverge, and then come back together,” paglalahad ni Swift sa reception na puno ng bisita. “And it would be so magically unpredictable but at the same time, so incredibly fated, just like the best love stories are.” 

Idinugtong pa ni Swift na, “My favorite accomplishment of my entire life is that everything in my life has changed, except me and Brittany. She was my partner in crime at Brownies sleep-away camp, and she was my date to the Grammys.” Ito ay masasabing #FriendshipGoals! 

Hindi lamang speech ni Taylor ang mapapanood sa video, makikita rin si Swift habang inaayos ang butones ng damit ng bride, pagpalakpak sa unang paghalik ng mga bagong kasal bilang mag-asawa, at siyempre, ang pag-perform sa reception para lalong mapasaya ang kanyang matalik na kaibigan at asawa nito. (The Insider)