POKWANG AT MELAI copy

NAGBALIK-TANAW si Pokwang sa mga pinagdaanan niya sa showbiz. Kasagsagan ng kanyang career sa Wowowee kaya nang mawala ang show, inakala niyang out na rin siya at hindi na makaka-survive sa show business.

“Akala ko no’n ending na talaga, eh. Pero tuloy pa pala ako,” natatawang pahayag ni Pokwang sa presscon ng We Will Survive serye na pinagbibidahan nila ni Melai Cantiveros.

“No’ng nawala ‘yung noontime show namin, ‘yun ‘yung parang... ‘buti na nga lang na-survive ko kasi I love that show so much, eh, at ang laki rin ng naitulong sa akin nu’n. Alam n’yo naman I love hosting, gusto ko ‘yung live na show.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero sa ngayon, hindi po ako nalulungkot kasi ang ganda naman po ng mga proyektong ‘binibigay sa akin ng ABS-CBN,” dagdag pang kuwento ni Pokie.

Iniidolo ni Pokie si Ai Ai delas Alas, pero ‘umasim’ ang dating matamis na samahan nila nang kumalat ang tsismis na

ayaw siyang makasama ni Ai Ai sa anumang proyekto.

“Never pumasok sa isip ko na someday magiging kagaya niya ako o ano,” paglilinaw ni Pokwang. “Pero siyempre, maganda rin sa bawat tao na may pangarap ka sa buhay, may goal ka sa buhay. Pero kasi sa ngayon, parang feeling ko napaka-blessed ko na. Okey na ako. Hayaan na lang natin, kumbaga, respetuhin na lang natin yung mga ganu’n,” kibit-balikat niyang sabi.

Sa We Will Survive, nabuo ang pagkakaibigan nila ni Melai, na ayon sa kanya ay masayang kasama, on and off-cam.

“Kahit na mas nakakatanda ako sa kanya, may napupulot din ako sa kanyang inspirasyon. Tulad nu’ng pagdating sa lovelife, kasi sa kanya parang... ‘saan mo nakukuha ‘yang mga sinasabi mong ‘yan?’ Maniwala ka’t sa hindi, sa loob pa lang ng PBB ‘binoboto ko ‘yang si Melai, kami ng mga yaya ko sa bahay. Very inspiring din kasi ang buhay ni Melai,” lahad ng komedyana.

Masaya si Pokie na unti-unti na ring naaabot ni Melai ang mga pangarap nito sa buhay.

“Alam n’yo, ‘pag nangangarap ang isang tao, huwag nating pipigilan. Wala tayong karapatang pigilan ang gusto nila sa buhay.”

Obvious na happy si Pokie sa kanyang lovelife. Naibida niya na ‘pag walang naging hassle, baka ngayong 2016 sila humarap sa altar ng kanyang boyfriend na si Lee O’Brien.

“Hopefully this year. Pero wala pang proposal. Darating at darating naman ‘yon, eh. Pero ‘yung baby, wala pa muna, trabaho muna tayo. At saka, paano rin ‘yung mga katrabaho ko if ever na mabuntis ako, di ba? Kawawa naman sila,” aniya na sinundan ng tawa. (Ador Saluta)