Rob at Blac copy

MAS tumaas ang level ng pagtitinginan nina Rob Kardashian at Blac Chyna.

Ipinagtapat ng 28 taong gulang na reality star ang kanyang pagmamahal sa bago niyang kasintahan sa Instagram, ibinahagi ang isang litrato ng 27 taong gulang na si Blac habang mahimbing na natutulog.

“Love this woman right here, so f**k y’all with your negative comments!!” caption ni Rob sa nasabing larawan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinahagi rin niya ang video ni Chyna na nakikipagharutan sa kanya sa kama.

Mapapansing mas naging aktibo sa social media si Rob nitong mga nakaraang buwan matapos isapubliko ang kanyang bagong pag-ibig sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Nitong Martes, sinabi ng isang source na malapit kay Rob sa ET Online na siya ay “lost another 10 pounds and has really been taking care of himself.”

“It really all is because of Blac Chyna,” ayon sa source. “Chyna is great… She has brought this new side of him out, the old Rob! He’s really having a lot of fun.”

Ngunit hindi lahat ay magiging sang-ayon at pabor lalo na pagdating sa pamilya. Nitong nakaraang linggo, ibinahagi ni Rob ang NSFW comment sa Instagram, tinutukoy niya ang mga sikat na miyembro ng kanyang pamilya na ayaw sa kanilang relasyon ni Blac.

Ang pamilya Kardashian-Jenner ay may kumplikadong relasyon kay Chyna. Minsan nang naging malapit si Kim Kardashian kay Blac, ngunit nasira ang kanilang pagkakaibigan nang magsimulang makipag-date ang kanyang nakababatang kapatid na si Kylie Jenner, kay Tyga, ang dating fiancé ni Blac at ama ng kanyang tatlong taong gulang na si King Cairo.

Kamakailan, ibinahagi nina Kylie at Kourtney Kardashian ang mga litrato nila habang nakikipag-bonding sa ex-girlfriend ni Rob na si Adrienne Bailon. (ET Online)