Alden copy

MADALING kumalat sa social media ang car accident na kinasangkutan ng Pambansang Bae na si Alden Richards kahapon ng umaga, dahil nag-tweet agad ang mga nakakita sa aksidente.  

Tweet ng isa, nakita raw niya ang aksidente at si Alden, nakaupo sa may gutter. Pero wala namang masamang nangyari kay Alden. 

Based sa picture niya, mukhang na-shock lang si Alden sa nangyari. Kung hindi kami nagkakamali, first time lang niyang maaksidente sa sasakyan. Kasama ni Alden ang kanyang driver at ang PA niya na si Mama Ten. 

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Papunta na sila sa Broadway nang mangyari ang aksidente somewhere in Alabang, mula sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna. Madali namang nai-tow ang kotse ni Alden matapos niyang magpalit ng sasakyan.

Agad namang sumagot ang GMA Artist Center sa mga tweet sa kanila ng fans, assuring them na okay na si Alden at nasa Broadway na ang aktor. May rehearsals kasi sila para sa ‘Mainevent’ this Saturday, ang 21st birthday celebration ng ka-love team niyang si Maine Mendoza. Mapapanood ito ngayong tanghali sa Broadway studio ng Eat Bulaga.

Nagpasalamat naman ang fans na ligtas si Alden. Sabi nga ng fan na si alen_loves_maichard: “He really care for @mainedcm kahit na na-accident na sya tumuloy pa din siya sa rehearsal for the big day tomorrow for M’s birthday. 

You are really one of a kind @aldenrichards02.” 

Marami ring fans ang nagpadala ng prayers and reminders kay Alden na dapat siyang mag-ingat lagi dahil mahal na mahal siya ng AlDub Nation, at alam daw nilang malulungkot si Maine kapag may hindi magandang nangyari sa actor-TV host. (NORA CALDERON)