HINDI pa rin nagbabago sa pagiging babaero ang kilalang actor. Kaya walang naniniwala kahit na tigas siya sa katatanggi na walang nangyari sa kanila ng aktres na nakasama niya sa paggawa ng pelikula.

Hiwalay ang kilalang aktor sa asawa at kung tutuusin ay puwede naman din niyang patusin talaga ang aktres, pero ang problema ay naghahabol pa rin siya sa wifey niya na ayaw na ayaw na sa kanya.

Sa madaling sabi, never inamin ng kilalang aktor ang naging relasyon nila ng aktres na nakasama niya sa pelikula.

Pero minamalas ang kilalang actor, dahil ang mismong aktres ang umaming nagkaroon sila ng romantic rendezvous ng leading man niya habang sinu-shoot nila ang pelikula nila.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ang mas nakakaloka pa, sa ere ito inamin ng aktres!

Kaya lukang-luka raw ang kilalang aktor dahil itinago pa naman niya iyon para ma-win ulit ang asawa, e, nabukelya pa.

Anyway, hindi gumagawa ng isyu ang aktres kaya nito inamin ang naganap dahil hindi naman ito sinungaling na tao.

(Reggee Bonoan)