Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon dahil sa inaasahang mas matinding traffic sa lungsod ng Maynila ngayong Huwebes hanggang sa susunod na linggo.

Ayon sa MMDA, isasagawa ngayong araw, Marso 3, ang Shell Eco-Marathon Asia 2016 sa Rizal Park. Isasara naman sa trapiko hanggang Marso 7 ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang T.M. Kalaw St.

Sa abiso ng ahensiya, ang malalaking sasakyan na manggagaling sa pier zone na nais dumaan sa south bound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumaliwa sa P. Burgos Street, kanan sa Ma. Orosa St. at kanan muli sa T.M. Kalaw St. patungo sa destinasyon.

Ang maliliit na sasakyan ay maaaring dumaan sa isang linya sa northbound ng Roxas Boulevard na itinalaga para sa counter-flow traffic. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon