Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 8 ang bagong wage order na nagtatakda ng bagong minimum na suweldo para sa mga kasambahay sa Eastern Visayas, ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Ayon sa wage order (Kasambahay Wage Order No. RB VIII-01), ang minimum wage rate sa Eastern Visayas ay P2,500 kada buwan sa mga siyudad at sa mga first class municipality; at P2,000 kada buwan sa ibang munisipalidad.

Sinabi pa ni Baldoz na maaaring ireklamo sa alinmang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer na hindi tutupad sa tamang pasahod sa mga kasambahay. (Mina Navarro)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!