Dumarami ang mambabatas na sumusuporta sa mga panawagan na i-override ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukala, na magkakaloob sana sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) ng karagdagang P2,000 sa pensiyon.

Binanggit ang ulat ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, isiniwalat ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na mayroon na ngayong 81 mambabatas na sumusuporta sa panawagan.

“We are glad that congressmen are heeding the demand of pensioners and workers,” saad sa pahayag ni KMU Vice Chairperson Roger Soluta.

Ayon sa labor leader, positibo sila na maipatutupad pa rin ang panukalang batas kahit na ibinasura na ito ni Aquino.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

“We continue to call on Aquino himself to immediately issue an executive order for P2,000 hike in SSS pensions,” ani Soluta.

Ang mga tagasuporta ng HB 5842 ay kailangang makakuha ng lagda ng 192 mambabatas o two-thirds ng 213 miyembro ng Kamara upang ma-override ang veto sa panukala.

Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na hindi siya pabor sa HB5842 dahil maaga nitong sisimutin ang pondo ng SSS.

Naglabas ng pahayag ang KMU nitong Martes sa gitna ng panibagong panukala ng ilang grupo na bawasan ang pension hike para sa mga retirado ng SSS at gawin na lang itong P1,000. (Samuel P. Medenilla)