SI Chris Rock ang nag-host ng 88th Academy Awards nitong Linggo ng gabi at hindi siya nataranta o nagkamali sa pagpapakilala ng mga nominado.

Nakapanayam ng The Insider With Yahoo ang ilan sa mga bigating Hollywood star pagkatapos ng show at isiniwalat nila kung paano naitawid ng komedyante ang gabi ng parangal.

“He killed it,” papuri ni Charlie Sheen. “His monologue was a masterpiece.” Sinang-ayunan ni Rebel Wilson ang opinyon ni Sheen: “It’s such a hard job hosting the Oscars and I think Chris was an excellent choice.” 

Gayunpaman, hindi lahat ay pumabor kay Rock. Nang tanungin kung paborito niya si Rock, mabilis na sumagot si Suzanne Somers ng, “No. I don’t want to get controversial. I like Johnny Carson.” (The Insider)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist