Tatlong pasahero ang nasawi habang 62 ang nasagip ng search and rescue team matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangkang de motor sa karagatan ng Gumaca, Quezon, nitong Biyernes ng gabi.

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na tumaob ang M/V Lady Aimme may layong one nautical mile mula sa baybayin ng Gumaca, habang naglalayag patungong Quezon, Quezon, dakong 3:45 ng hapon nitong Biyernes.

Lumitaw sa imbestigasyon ng PCG na umalis ang M/V Lady Aimme sa Gumaca Port dakong 3:30 ng hapon at matapos ang 15 minuto ay nakatanggap ang awtoridad ng ulat hinggil sa paglubog ng bangka.

Tatlong matandang babae ang namatay sa aksidente. (Jenny F. Manongdo)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget