ILoveOPM_cast1 copy

BIGO ang entertainment press na dumalo sa I Love OPM presscon dahil wala si Toni Gonzaga-Soriano na masyadong nagpapakontrobersiyal dahil hindi sumagot nang tanungin sa nakaraang Anak TV Awards na dinaluhan nila ng asawang si Direk Paul Soriano kung buntis siya o hindi.

Marami ang nagtataka sa TV host/actress, pati publiko – hindi lang ang reporters -- kung bakit daw hindi niya mailahad ang tunay niyang kalagayan gayong madali naman daw magsabi ng ‘oo at hindi’.

Siya tuloy ang usap-usapan kahapon ng mga kasamahan sa hanapbuhay sa presscon ng Sunday show ng Dos.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Baka ayaw pa talagang umamin kasi nasa delikadong stage siya, may kasabihan na kapag trimester ay hindi pa sure kung buo na, kaya hindi pa puwedeng sabihin kasi hindi safe. Pag-apat na buwan na raw, safe na kaya puwede nang umamin,” sabi ng aming kaibigang katoto.

“Feeling ko ganu’n ang nararamdaman ni Toni kaya niya nasabing it’s not yet the right time and place kasi hindi pa siya sure, pero delayed na nga siya ng tatlong buwan,” salo naman ng isa pa.

Sabi namin, baka may iniendorsong produkto at bawal amining buntis siya.

“Parang hindi, naman kasi alam naman na may asawa siya at hindi naman siyempre maiiwasan ‘yun.”

Okay, hintayin na lang natin kung kailan physically and emotionally prepared si Toni para amining buntis na siya sa panganay nila ni Direk Paul. (REGGEE BONOAN)