Durog ang katawan ng isang biker matapos siyang masagasaan ng truck, kasama ng kanyang bisikleta, sa Bacoor City, Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Agad na nasawi si Ryan Santiago, 33, residente ng 1723 Barangay Maliksi 3, Bacoor City, Cavite.

Arestado naman ang truck driver na si Isagani Mapa, 48, residente ng Block 13, Lot 39, Ipil Street, Ceris II, Canlubang, Laguna.

Sakay sa kanyang mountain bike ang biktima, dakong 3:00 ng umaga at binabagtas ang Evangelista Road sa Barangay Kaingen, Bacoor City, nang masagi ng Isuzu dump truck (AAQ-8842) na minamaneho ni Mapa.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Tumilapon ang biktima mula sa kanyang bisikleta at nagulungan ng kanang gulong ng truck kaya nagkalasug-lasog ang kanyang katawan, na agad niyang ikinamatay.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek, ayon sa pulisya. (Beth Camia)