IBINAHAGI ni Madonna ang ilang bahagi ng kanyang personal na buhay sa kanyang Rebel Heart tour sa Pilipinas, at sinabi sa mga manonood na minsan na siyang nagpatalsik ng trainer na nang-agaw sa kanyang boyfriend.

“I just wanted to share this little story with you. Once I had a Filipino trainer, this beautiful, beautiful girl,” kuwento ni Madonna habang nasa entablado. “She was gorgeous and very talented as a trainer, but, she f**ked my boyfriend.”

“So, I fired her,” patuloy ni Madonna. “I just wanted to share that with you. In this case, it was not a happy ending.”

“Hats off to the Bahay Tuluyan Foundation in Manila for taking so many kids off the street and providing food and shelter! ❤️#rebelheartour,” pagbabahagi niya sa Instagram nitong Martes, at kasama ang ilang litrato nang siya ay dumalaw sa Hospicio de San José, isang Catholic social welfare institution. (ET Online)
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco