Isinara na ng Makati City Police ang kaso ng isang misis na kinatay ng kanyang asawang Taiwanese matapos kasuhan ng parricide ang suspek sa Makati Prosecutor’s Office kahapon.

Ayon kay Makati Police chief, Senior Supt. Ernesto T. Barlam, sapat na ang nakalap na ebidensiya ng mga awtoridad para kasuhan si Yuan-Chang Kuo, 46, dermatologist at surgeon, residente ng No.6647 Taylo, St., Barangay Pio Del Pilar, ng lungsod, kaugnay sa pagkamatay ni Rowena Cobalida Kuo, 47.

Martes ng gabi nang matagpuan ang pugot at putul-putol na katawan ng biktima sa stock room sa ikatlong palapag ng kanilang bahay habang nadiskubre sa septic tank ang iba pang parte ng katawan ng ginang.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na matinding selos ang dahilan ng pagpatay matapos maghinala ang suspek na may ibang lalaki ang biktima. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang