Sa ospital ang bagsak ng isang binatilyo na binaril ng snatcher na kanyang hinabol sa Taguig City, kahapon.

Kinilala ni Taguig City Police chief, Senior Supt. Ramil Ramirez, ang biktimang si Rafael Mailum, 16, nakatira sa Barangay Pinagsama, ng nasabing lungsod, na nakaratay ngayon sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong 1:53 ng madaling araw, magkaangkas sa bisikleta ang biktima at ang ama nitong si Felicito, 54, backhoe operator, nang sumulpot ang dalawang suspek sakay sa tricycle sa northbound ng C-5 Service Road, Phase 2, Bgy. Pinagsama, Taguig City. Hinablot ng mga suspek ang wallet ng matandang Mailum kaya hinabol sila ni Rafael subalit, binaril siya ng isa sa mga snatcher.

Inaalam ng mga awtoridad kung may CCTV sa lugar na makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang