BOGOTA, Colombia — Dalawang magkapatid na babae na nagkawalay nang wasakin ng avalanche ang kanilang bayan sa Colombia ang muling nagkita makalipas ang tatlong dekada, nitong Huwebes.

Nagkahiwalay sina Yaqueline Vasquez Sanchez, 39, at Lorena Sanchez, 33, noong 1985 ang sumabog ang bulkan, na nagbunsod ng avalanche na ikinamatay ng 20,000 katao. Inampon sila ng magkaibang pamilya at hindi alam ang naging kapalaran ng bawat isa. Natunton ni Lorena ang kapatid sa pamamagitan ng kombinasyon ng DNA testing, Facebook entreaty at ng foundation na tumutulong sa mga biktima ng nasabing trahedya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina