Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, nais ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian na ma-exempt ang mga tricycle sa pagbabayad ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC).

Libu-libong tricycle driver ang mabibiyayaan sa panukala kapag na-exempt ang mga tricycle sa saklaw ng RA 8794 o “An Act Imposing a Motor Vehicle User’s Charge on Owners of All Types of Motor Vehicles and for Other Purposes”.

“In the perspective of a humble and destitute tricycle driver the amount exacted from them from the MVUC already cuts a big chunk of the earning that could have fed their family for a day,” ani Gatchalian.

Sinabi niya na malaki na ang maitutulong sa pamilya ng mga tricycle driver ng matitipid sa hindi pagbabayad ng MVUC.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

(Bert de Guzman)