Taylor copy

NEW YORK (AP) — Tinulungan ni Taylor Swift si Kesha sa pagkaloob ng tulong-pinansiyal sa pakikipaglaban nito na maialis ang kontrata sa record producer na si Dr. Luke.

Nitong Linggo, kinumpirma ng tagapagsalita ni Swift ang paghahandog ng $250,000 kay Kesha na tinatawag niyang isang “show of support” upang matulungan sa kaso nito laban kay Dr. Luke, ang megahit producer.

Noong Biyernes, ang Tik Tok singer ay umiyak sa korte nang ibasura ang kanyang panukala na mapawalang-bisa ang kanyang kontrata sa ilalim ni Dr. Luke, na nakatrabaho na sina Britney Spears, Katy Perry at Nicki Minaj.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinabulaanan ni Dr. Luke ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya ni Kesha kaugnay sa pambabastos. Ayon sa abogado ni Dr. Luke na si Attorney Christine Lepera, ang mga akusasyon ni Kesha ay “outright lies that have been advanced to extort a contract renegotiation and money.”

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang tagapagsalita ni Kesha nang hingan ito ng komento sa donasyong ipinagkaloob ni Swift. Hindi naman nagbigay ng komento ang abogado ni Kesha kaugnay sa naging pahayag ni Lepera.