Eight-division world champion Manny

UMABOT na sa mahigit 500 shares ang ipinost ng isang netizen sa Facebook na nakakita sa SUV na may pangalan at picture ni Manny Pacquiao na nakaparada sa tapat ng isang magandang bahay sa isang subdibisyon.

Ayon sa nag-post na si Ms. Lorraine Marie T. Badoy ng Loyola Grand Villas, Quezon City:

“Guess what, I saw when I went on a run this morning in my village? Manny Pacquiao’s campaign car in front of his mistress’ house.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“(Jinkee, sa may bandang Soliven 3 corner Finland St. ‘Yung mansion doon. Go, girl.) Well, well, well... well, WELL. (...wellllllll) Mymymy. Sharona. Dun-dun-DAT-dun-DAT.

“It really is common knowledge who lives in that house on Soliven corner Finland: Manny pakyaw’s mistress.”

Ang tinutukoy na mistress ni Ms. Lorraine ay maaaring ang dating aktres na si Krista Ranillo na naninirahan na ngayon sa Amerika kasama ang Fil-Am husband, tatlong anak (2 lalaki at 1 babae), at ang magulang nitong sina Mat Ranillo III at Lynda Tupaz at ang sister ni Krista.

Kumalat ang tsismis noon na bigay daw ni Manny kay Krista ang naturang bahay, pero mariin naman itong itinanggi ng Pambansang Kamao.

Nasulat din noon na ang naturang lote ay supposedly bibilhin nina Krista at ng director boyfriend nito noong si Dominic Zapata at nakapag-down payment na nga raw ang aktres, pero dahil naghiwalay ang dalawa ay hindi na natuloy ang bilihan.

Sinusulat namin ito dahil batay sa pagkakaalam namin ay wala nang planong bumalik ng Pilipinas si Krista na masaya ngayon sa piling ng asawang si Nino Lim, na childhood boyfriend pala niya, nagkabalikan sila, nagpakasal noong Agosto 2010, at simula noon ay hindi na umuwi ng Pilipinas ang dating aktres.

Kaya imposibleng si Krista ang may-ari ng bahay at lupang nai-post sa social media.

Nakausap kasi namin si Krista sa isang dinner noong Disyembre 2014 sa Lawry’s The Prime Rib Restaurant, sa Beverly Hills, California sa imbitasyon ng asawa niyang si Nino sa pamilya nina Art Atayde at Sylvia Sanchez kasama ang mga anak na sina Arjo at Ria.

Tinanong namin si Krista kung babalik pa siya ng Pilipinas, umiling siya at nagsabing masaya na siya sa buhay nila roon, at kahit daw nami-miss niya ang showbiz ay hindi niya puwedeng iwanan ang pamilya.

Nang tanungin din namin ang daddy ni Krista na si Mat, nakangiti itong sumagot ng, “Masarap mag-alaga ng mga apo ko (na lagi niyang karga).”

Ang husband ni Krista ang CEO ng napakalaking Island Pacific Supermarket na matatagpuan sa Los Angeles, California at planong mag-branch out sa ibang state base sa huling pag-uusap noong 2014.

Doon din nagtatrabaho bilang manager ang ama ni Krista na si Mat.

Pinagmasdan namin si Krista habang napakasayang kasama ang kanyang mag-aama. Hanggang ngayon, kapag tinitingnan namin ang kanyang Instagram posts, hands-on mom ang dating aktres at wala na yata silang ginawang mag-anak kundi mamasyal.

Kaya sa aming palagay, baka pag-aari rin ni Manny ang bahay na kinakapaparadahan ng campaign car niya o kaya naman ay pag-aari ito ng supporter niya.

Bale ba, wala raw sa SALN ni Manny ang nasabing bahay at lupa sa Loyola Grand Villas. (Reggee Bonoan)