Isang 50-anyos na ginang at anak niyang babae ang nasawi sa sunog, na tumupok sa may P500,000 halaga ng ari-arian, matapos lamunin ng apoy ang isang malaking bahay sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Jesus Fernandez ang mga nasawi na sina Dorothy Santillan, 50; at Nina Santillan, 34, kapwa nakatira sa Holman Street sa Barangay West Fairview sa Quezon City.

Dead on arrival ang mag-ina sa FEU General Hospital at East Avenue Medical Center dahil sa tinamong third degree burns.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Quezon City Fire Department, dakong 4:30 ng hapon nang masunog ang bahay ng mga biktima, na umabot sa ikalawang alarma.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Ayon sa arson probers, problema sa wiring ng kuryente sa kisame ng bahay ang sinasabing dahilan ng sunog. (Jun Fabon)