Si Andrew E kasama sina Sunshine Cruz, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, at Liza-Soberano copy

GRABE na talaga ang mga OTWOLISTA at JaDine fans, Bossing DMB! Kahit hindi namin napanood ang episode ng On The Wings of Love noong Lunes dahil may lakad kami, para na rin kaming nanonood dahil blow by blow ay tine-text kami ng mga kaibigan naming nakatutok sa serye with matching reactions pa.

At heto pa, maging ang mga kamag-anak namin sa ibang bansa na pawang OTWOLISTA rin ay tsina-chat kami para alamin kung ano na ang nangyayari sa ipinapalabas na episode dahil pagkalipas pa ng isang araw bago nila mapanood. Ganu’n pala katagal.

Napaka-intense raw ng eksenang nag-aaway sina Clark at Leah na nauwi sa kissing scene, at talagang ipinakitang bumubuka na ang bibig ni Wifey.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinanood namin ang naturang eksena sa ABS-CBN news video at ramdam nga ng viewer ‘yung feelings na pinipigilan nina Clark at Leah pero bumigay rin naman sa bandang huli.

Kanya-kanyang reaksiyon ang mga nakapanood, pero karamihan ay nagkakaisa sa sinasabi nilang, “JaDine lang ang may kakayahang mag-kiss nang walang malisya at nakakakilig pa.”

Pero may mangilan-ilan ding negatibo na pilit nagpapapansin dahil siguro may iba silang love team na sinusuportahan, pero walang epekto dahil taob sila sa mga positibong komento ng netizens.

Habang ipinapalabas ang kissing scene ay panay daw ang sigawan ng mga nanonood sa kani-kanilang bahay. Susme, ano ito, karugtong ng JaDine In Love concert na hindi yata uso ang mawalan ng boses?

Anyway, sa finale episode ng On The Wings of Love na ipapalabas sa Ynares Gym, Antipolo na may 12,000 seating capacity ay makakasama ng OTWOLISTAs ang buong cast sa panonood ng pagtatapos ng kilig-serye. Magsisilbi rin itong pasasalamat ng buong Dreamscape Entertainment team sa lahat ng mga sumubaybay sa OTWOL sa loob ng pitong buwan.

Heto pa, Bossing DMB, planado na ng Dreamscape Entertainment bigwigs na gumiling na sa Hunyo ang susunod na teleserye ng JaDine. Hayan, tiyak na minamadali na ng JaDine fans na mag-Hunyo na.

Isasabay naman ang gagawing pelikula ng JaDine, produced ng Star Cinema at Viva Films, sa world tour nila. Hmmm, hindi kaya sequel ito ng OTWOL na honeymoon kunwari ang kinukunan?

Anyway, sa mga taga-Antipolo City, magkita-kita po tayo sa Ynares Gym sa Biyernes para sa pagtatapos ng kabanata nina Clark at Leah. (REGGEE BONOAN)