MR. REID AT NADINE copy

PINASINUNGALINGAN ang tsikang ayaw ng dad ni James Reid na si Malcom Reid kay Nadine Lustre na girlfriend ng anak nang makunan ng litrato ito na niyakap ang young actress after ng sold out concert nina James at Nadine sa Big Dome.

Parang pagwe-welcome raw niya ‘yun kay Nadine sa pamilya nila.

Kuha ang picture ng isang JaDine fan na nagsabing future daughter-in-law raw ni Mr. Reid si Nadine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nauna rito, nakitang nagdi-dinner sina James at Nadine with Mr. Malcom Reid.

Sa letter ni Mr. Reid na binasa sa KrisTV, nabanggit nito ang kanyang hope na magkatuluyan sina James at Nadine at bigyan siya ng maraming grandchildren. Sinabihan pa raw nito si James na alagaan ang magiging daughter-in-law niya.

Kinontra rin ng isang nakakaalam ang isyung hindi dumadalaw si James kay Nadine sa bahay nito at never pang naka-bonding ang pamilya ng aktres. Dahil, katunayan, palaging inihahatid ni James si Nadine sa bahay nito.

(NITZ MIRALLES)