JENNYLYN copy

MAY title na ang movie nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa Star Cinema sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Intriguing ang title na Just The 3 of Us dahil ibig sabihin, may kasama silang isa pa.

Kaya lang, hindi kaya mag-react ang fans ni John Lloyd dahil sa hashtag ni Jennylyn sa Instagram na #JenLloyd, mas una ang kanyang pangalan. Alam n’yo naman ang ibang fans, masyadong concern sa billing ng kanilang favorite na para bang sila ang manager o kaya’y magulang ng mga artista.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Dahil sa paggawa ng pelikula sa Star Cinema, nabuhay uli ang tsismis na lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN after mag-expire ang kontrata niya sa GMA-7.

Hindi kasi tumitigil ang ibang fans sa pagkumbinsi sa kanya para lumipat sa Kapamilya Network para mas sumikat pa raw siya at para makapareha niya sina Coco Martin at Piolo Pascual. (Nitz Miralles)