GERALD AT ARCI copy

BUKAS na ipalalabas ang Always Be My Maybe pinagbibidahan ng bagong tambalan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz. Sa panayam, ibinahagi ni Gerald ang ilang mahihirap na eksenang ginawa nila ni Arci sa movie.

“Siguro ‘yung eksena na ‘yung ako mismo nagsulat kung ano ‘yung sasabihin ko, kasi may isang eksena doon na ako mismo nagsulat, parang ginaya ko ‘yung video blog niya, nag-upload din ako ng sarili kong video. Kasi parang that scene para magawa kong tama, I have to be honest na kaya kong gawin and sobrang close to home ‘yung mga linya, kasi sabi sa akin. ‘Yun siguro ang pinakamahirap sa akin.”

Unang pagsasama ito nila ni Arci sa isang project at ipinagmamalaki ni Gerald ang dedication ng kapareha sa trabaho.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“First time naming nagsama, dito kami nagkakilala sa movie na ‘to. ‘Yung first day namin sa look test namin do’n kami una nagkakilala. Marami akong na-discover kay Arci na makikita mo talaga na gusto niya ‘yung ginagawa niya, na mahal niya ‘yung trabaho niya kahit segue-segue siya, kahit sobrang pagod na pagod na, kumbaga laging nakangiti, so nakakabilib.”

Ang love scenes nila ni Arci ang itinuturing niyang pinaka-intense sa lahat ng love scenes na kanyang nagawa.

“Ito ‘yung isa sa pinaka-intense, eh, kasi medyo iba ‘yung situation, kasi sa mga nagawa ko before lalaki ‘yung… siya ‘yung nagbibigay ng sensual, aggressive. Ito medyo baliktad kasi ‘yung kinukunan ko siya (sa kunwari’t pictorial) ‘yung ‘tapos siya na ‘yung nagtatanong na, ‘Ano tanggalin ko na ‘to?’ ‘Yun pala sini-seduce na ako.”

Kaya hinihikayat ng aktor ang followers niya na panoorin ang Always Be My Maybe.

“’Pag napanood mo ‘to, tatanungin mo ‘yung sarili mo na kung single ka, ‘Bakit hanggang ngayon single pa rin ako?’

Kung in a relationship ka mas mai-in love ka sa partner mo. Mai-in love ka, matatawa ka, maiiyak ka, kikiligin ka, lahat mai-experience dito sa movie,”sabi pa ni Gerald. (ADOR SALUTA)