NAGPASALAMAT sa pamamagitan ng text si Ai Ai delas Alas nang malaman niyang sila ni Vic Sotto ang nanalong Box Office King and Queen sa 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), para sa pelikula nilang My Bebe Love #KiligPaMore noong Metro Manila Film Festival last December.

Bukod sa GMMSF, nagpasalamat din si Ai Ai sa AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“’Sini-share ko rin kay Maine ang box-office queen award kasi deserve niya rin ang award na ‘yun,” sabi pa ni Ai Ai.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“God bless Filipino movies and to all the winners, congratulations din kina Vice, Coco, Bea and John Lloyd.

Napakabait ng Diyos. To God be the glory!”

Alam ni Ai Ai ang tungkol sa Phenomenal Stars Award nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Vice Ganda at Coco Martin dahil minsan na rin siyang nakatanggap ng ganoong award mula sa GMMSF noong 2012, nang manalo sila nina Kris Aquino at Vice para sa pelikulang Sisterakas at ang nanalo namang box-office queen and king sina John Lloyd at Bea para sa pelikulang The Mistress na second top grosser nang taong iyon.

Ang awards night ay gaganapin sa April 17 sa Kia Theater, at ipalalabas ang awards ceremony sa ABS-CBN sa April 24.

(NORA CALDERON)