“NADINE... I love you.” 

Ito ang mga katagang namutawi sa bibig ni James Reid habang nakatitig kay Nadine Lustre bago natapos ang JaDine In Love concert nila noong Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakakabinging hiyawan to the max ang narinig namin mula sa mga taong nasa loob ng Big Dome, lahat kinikilig sa dalawa. At lalo pang lumakas ang hiyawan nang magyakapan ang dalawa.

Siyempre, nagulat kami, at agad naisip kung seryoso ba talaga si James sa sinabi niya o gimik lang ito para sa nalalapit na pagtatapos ng On The Wings of Love. Kaya dali-dali kaming nagtanong sa mga tao sa backstage.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

“It was not scripted. He just asked that before the hydraulic goes down that he’ll be given a moment to say something to Nadine,” sabi ng source namin na isa sa production staff ng concert. “We asked what he’s gonna say, ‘surprise daw.’ We know he’s gonna say something but he didn’t say Ito ang mga katagang namutawi sa bibig ni James Reid habang nakatitig kay Nadine Lustre bago natapos ang JaDine In Love concert nila noong Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.