BUKOD sa JaDine Love concert na ginanap na kagabi, mainit ding pinag-uusapan ang nalalapit na Rebel Heart tour concert ni Madonna na gaganapin sa SM MOA Arena ng dalawang gabi, Miyerkules at Huwebes, Pebrero 24 at 25 na sumabay pa sa 30th EDSA Anniversary at idineklarang special holiday ni Pangulong Noynoy Aquino kaya walang pasok.

 

Halos lahat ng mga artista at local celebrities ay manonood ng Madonna concert dahil once in a lifetime lang daw ito.

Kahit sinasabi ng iba na ‘lola na’ ang singer na tanyag sa buong mundo, maliksi pa rin siyang kumilos at makipagsabayan sa dancers niya gaya noong kabataan niya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

(Fifty eight years old na si Madonna. --Editor)

 

Batay na rin sa feedback at review ng mga nakapanood na ng Rebel Heart tour ni Madonna, ang galing-galing pa rin daw ni Material Girl.

 

Samantala, ang request ng halos lahat ng manonood kay Madonna ay awitin niya ang Crazy For You na inihandog niya noon sa ex-husband niyang si Sean Penn. Hindi raw kasi ito kasama sa repertoire ng singer.

 

Nakakatawa ang usap-usapan ng mga manonood na para raw hindi matrapik, alas tres pa lang ng hapon ay kailangang nasa SM MOA dahil tiyak na mahaba raw ang pila.

 

Anyway, hindi lang si Madonna ang sadya ng iba dahil sumabay din ang meet and greet ng UFC rising superstar na Stephen “Wonderboy” Thompson sa Pebrero 25 na sa SM MOA Arena rin gaganapin.

 

Open to the public ito kaya tiyak na dudumugin si Wonderboy ng MMA enthusiasts at iba pang sports fanatics. Para sa updates, tumutok lang sa UFC, Cignal TV. (Reggee Bonoan)