Rey-Valera_abscbn copy

SA araw-araw na panonood namin ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime ay lubha kaming pinahahanga sa malawak na kaalaman sa musika ni Rey Valera.

Ang legendary OPM singer/composer ang nagsisilbing hurado sa instant hit na pagbabalik ng “Tawag ng Tanghalan”.

Mahusay niyang naipapaliwanag kung anu-ano ang kakulangan ng isang contestant. Inihalintulad pa niya minsan ang pagkanta sa isang biyahe. Aniya, may pilit na humahabol sa mataas na nota at mayroon ding nadidisgrasya.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Kung magaling ang contestant ay sapat nang sabihin niyang magaling ka at pinahanga mo ako. Binubusog niya ang mga kalahok ng mahahalagang tips tulad ng body language at direct contact sa audience habang umaawit.

Napakahuysay, patas, makatwiran at hindi pa-impress si Rey bilang head jury ng “Tawag ng Tanghalan” sa Showtime.

Bilang singer/composer ay ipinalabas sa Sunday’s Best ang tribute o pagpupugay kay Rey Valera sa maraming kontribusyon niya sa musika lalo na sa pagtataguyod ng OPM.

Binigyang-buhay nina Martin Nievera, Rico J. Puno, Edgar Allan Guzman, Michael Pangilinan, Tippy Dos Santos, Vina Morales at Sharon Cuneta ang ilang walang kamatayang awitin ni Rey Valera kabilang na dito ang Maging Sino Ka Man, Pangako Sa ‘Yo, Mr. DJ, Tayong Dalawa, Ako si Superman at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

Isa itong gabing ayon kay Valera ay hindi niya malilimutan habang siya ay nabubuhay. (REMY UMEREZ)