XIAN AT VILMA copy

FEELING nasa cloud nine pa rin si Xian Lim. Habang patuloy kasing pinipilahan ang Everything About Her, patuloy rin ang mga natatanggap niyang papuri sa ipinamalas niyang acting sa naturang pelikula.

Ayon kay Xian nang makausap namin sa isinagawang block screening last Saturday, ilang araw nang tuluy-tuloy ang natatanggap niyang text messages na lahat ay nagsasabing nakakaarte na siya, huh!

Kahit daw magagaling ang mga kasama niyang sina Vilma Santos at Angel Locsin ay hindi napag-iwanan sa acting si Xian. Pero aminado si Xian na si Vilma talaga ang nagdala sa eksena nila at napasunod lang naman siya sa flow ng intense na emotion ng Star for All Seasons.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpapasalamat si Xian na marami siyang natutuhan habang ginagawa nila ang Everything About Her. Aniya, na-witness niya kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ng mga tao si Vilma Santos.

Hindi lang daw pala napakahusay na aktres si Ate Vi kundi napakabait din sa lahat ng cast and crew na katrabaho nila at hindi ipinaparamdam sa lahat na big star at hinahangaang public servant ito.

Tuwang-tuwa si Xian na nasa pangatlong linggo na sa mga sinehan ang pelikula nila, at marami pa rin ang mga nanonood. Super hit din ang Everything About Her sa international screenings.

“Katatanggap ko lang ng balita na more than 822,400 dollars na ang kinita ng movie sa international screening sa US at Canada. Kumbaga, equivalent to more than 40 million pesos ang kinita ng movie doon pa lang,” sey ng actor.

More than P150M na ang kinikita ng movie nila dito sa Pilpinas.

Utang daw nila ang big success ng movie nila sa Star Cinema, kay Direk Joyce Bernal, at sa lahat ng mga kasama nila sa movie at siyempre kina Angel at Vilma Santos.

Ang nakakalungkot lang, nagkalat na rin ngayon ang pirated copy ng Everything About Her. Sa Divisoria, ay ipinagmamalaki pa ng mga nagtitinda ng pirated DVDs kung gaano kalinaw ang kopya nila, huh! (Jimi Escala)