SAN RAFAEL,Bulacan – Balik-selda na ang dalawang pumuga nitong Pebrero 10 sa himpilan ng San Rafael Police, matapos maaresto ang dalawa sa Maynila.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office officer-in-charge, Senior Supt. Timoteo G. Pacleb, naaresto nitong Sabado sina Paul Michael Santos Rivera, na akusado sa ilegal na droga; at Jerome Mendoza Dela Cruz, may kasong carnapping, sa serye ng follow-up operations ng San Rafael Police sa Quiapo at Sampaloc sa Maynila.

Tumakas sina Rivera at Dela Cruz dakong 7:45 ng umaga nitong Pebrero 10. (Freddie C. Velez)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?