NATAWA kami sa video post ni Kakai Bautista nang samahan si Ahron Villena sa doctor para magpa-check up sa balikat na three weeks na raw sumasakit. Balikat lang ang masakit ni Ahron nang pumunta sila sa doctor, after ng check-up, pati ulo nito sumakit dahil inglesero ang doctor. Nagka-nosebleed daw si Ahron.

Ang ganda ng tawanan ng dalawa at feeling namin, sa chiropractor nagpa-check up si Ahron dahil karamihan sa mga chiropractor ay inglesero. Hahaha!

Ang sweet lang ng dalawa dahil pati sa check-up sa doctor, kay Kakai nagpapasama si Ahron. Kaya nga hindi namin maintindihan kung bakit sa presscon ng Always Be My Maybe, parang pigil ang pagpapakita nila ng sweetness sa harap ng press. Mas sweet talaga sila sa Instagram.

Nabanggit din ni Kakai na nagselos si Ahron sa kissing scene nila ni Tom Rodriguez sa pilot episode ng Dear Uge, kaya may picture na sila sa IG na kunwari ay hinahalikan niya si Ahron.   

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Marami ang kinikilig kina Kakai at Ahron dahil sa kanilang love story at isa sila sa mga rason kung bakit panonoorin ang Always be My Maybe ng Star Cinema na showing sa February 24, sa direction ni Dan Villegas.