HINDI binitiwan ng sambayanan hanggang sa huli ang Pangako Sa ‘Yo kaya’t ang makapagil-hiningang pagwawakas nito nitong nakaraang Biyernes ang pinakamarami ang nanood, ayon sa survey data ng Kantar Media.

 

Pumalo sa national TV rating na 44.5% ang nasabing finale, mahigit sa 28 puntos ang lamang sa kalabang programa nito sa GMA na That’s My Amboy, na nakakuha lamang ng 16.1%.

Dinala ng Pangako Sa ‘Yo ang mga manonood sa isang maaksiyon at hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari nang mabihag ni Claudia (Angelica Panganiban) sina Yna (Kathryn Bernardo) at Amor (Jodi Sta. Maria), at iniligtas sila ni Angelo (Daniel Padilla).

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

 

Makabagbag-damdamin ang paghahayag ni Angelo ng kanyang wagas na pag-ibig kay Yna habang naghihingalo ito matapos mabaril, pati na ang pag-amin ni Claudia sa lahat ng kanyang mga kasalanan.

 

Sa huli, humingi ng kapatawan si Claudia sa lahat ng kanyang mga nasaktan, kabilang na sina Amor at Eduardo (Ian Veneracion).