Ni REGGEE BONOAN

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin tungkol kay Kylie Padilla na kasama sa pagbabalik ng Encantadia sa GMA-7.

Hangang-hanga raw ang mga pumili ng mga artistang gaganap sa nasabing fantaserye.

“Ang galing ni Kylie, napahanga niya lahat when she did her martial arts routine, ang bilis niyang kumilos, grabe,” sabi sa amin ng isang GMA-7 executive.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Mahusay naman talagang martial artist si Kylie, kaya nga interesado rin ang ABS-CBN sa kanya kasi nga halos lahat ay demure ang mga artistang babae sa Dos, walang magaling sa martial arts.

Natawa kami sa sagot sa amin ng kausap namin.

“Ah, talaga? Ano ba ‘yan, wala na nga kami artists, inuubos pa nila, ha-ha-ha.”

Samantala, sa storycon pa sa susunod na linggo pormal na ihahayag ng GMA-7 kung sinu-sino ang bubuo sa cast ng bagong Encantadia. Kaya kahit na anong kulit namin ay hindi kami pinagbigyan, maliban kay Kylie na alam naming gaganap sa papel ni Amihan, ang most skilled warrior sa magkakapatid.

Nabanggit pa ng aming kausap na marami raw ang hindi nag-audition na panay ang pasabi na gustong gumanap na si ganito o si ganyan.

“Paano naman sila mapipili kung hindi sila nag-audition, ano ‘yun pahulaan na lang kung ano ang gusto nilang gawin?  Hindi puwede ‘yun,” sabi sa amin.

Nagtanong kami kung kasama uli si Sunshine Dizon na isa sa original cast ng Encantadia bilang si Pirena, ang panganay sa Sangres at keeper ng Jewel of Fire.

Gustung-gusto kasi ni Sunshine na muling mapasama sa Encantadia kahit support na lang dahil alam naman niyang hindi na siya puwedeng maging isa sa mga Sangre, sabi niya nang makausap namin sa PPL Entertainment Thanksgiving Party noong Disyembre.

“Hmmm, yes kasama siya,” kaswal na sabi sa amin.

Bongga si Sunshine, natupad ang pangarap niyang mapabilang ulit sa Encantadia. Hindi nga lang binanggit sa amin kung ano ang bagong role niya.

At kung walang aberya, sa Hulyo raw ito eere.