Sharlene copy copy

MULING tuturuan ni Chokee (Marco Masa) ng leksiyon ang ama-amahan ni Sisay (Sharlene San Pedro) na si Ramjay (Lemuel Pelayo) dahil sa pagiging batugan nito sa pagpapatuloy ng kuwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay ngayong Linggo.

 

Ngayong bumalik si Chokee sa bahay nina Sisay, muling nanumbalik ang pagiging tamad ni Ramjay at tuluyang naging pabigat sa kanilang pamilya. Dahil dito, magpapanggap na multo si Chokee at tatakutin si Ramjay upang turuan ito ng leksyon at magtanda.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kanyang pagbabalik, muli rin niyang makikita si Susan (Jolina Magdangal) at susubukang bawiin ang susi ng lagusan. Ngunit ang hindi niya alam na wala na kay Susan ang susi. Makita pa kaya ni Chokee ang susi? Muli pa kaya niyang makapiling ang kanyang pamilya?

 

Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay sina Marvin Agustin, Tetchie Agbayani at Matet De Leon, mula sa panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon at sa direksiyon ni Wenn V. Deramas.

 

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ngayong Linggo sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.