Naibuslo ni Manu Magat ang 3-pointer, may 5.3 segundo pa sa laro, para sandigan ang Colegio de San Lorenzo sa makapigil-hiningang 56-53 panalo kontra PATTS College of Aeronautics sa Game One ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball best-of-three championship sa Marikina Sports Complex.

Tatangkain ng Griffins na makumpleto ang dominasyon sa pagpalo ng Game 2 sa Martes.

“He was the right man at the right moment for us,” pahayag ni Griffins coach Bonnie Garcia.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna para sa Griffins si Jun Gabriel na umiskor ng 11 puntos, habang sumunod sina James Alvarado at Rustom Borja na may tig-9 na marka.

Tumapos namang topscorer si John Paul Manansala na nagposte ng 15 puntos para sa Sea Horses. (Marivic Awitan)