BAWAL pala sa SM Aura ang maiingay at nagsisigawang fans dahil nakita naming sinaway ng mga guwardiya ang fans ni Claudine Baretto na sa sobrang tuwa na balik-soap na uli ang aktres ay nagsisigawan. Ang nakatutuwa lang, kahit sinasaway, hindi pa rin mapigilan ang fans, lalo na nang dumating si Claudine sa advance special screening ng teledrama na Bakit Manipis Ang Ulap.

Pati sa loob ng sinehan habang palabas na ang teledrama at ‘pag may eksena si Claudine na nagugustuhan ng fans, nagsigawan pa rin sila. Wala silang keber na kasama nilang nanonood sina Mr. Manny V. Pangilinan, Mr. Noel Lorenzana ng TV5 at Mr. Vic del Rosario ng Viva Communications.

Hindi naman napahiya si Claudine sa kanyang fans at ibang nanood ng special screening ng pilot week ng teledrama na mapapanood na simula February 15, 9 PM, sa TV5 dahil magaling pa rin ang aktres umarte. Ito’y kahit ilang taon siyang nagpahingang gumawa ng teleserye at pelikula.

Samantala, maliban sa pagsasabing may bago siyang ampon na baby girl, hindi na nagsalita si Claudine sa bagong member ng kanilang pamilya. Basta masaya siyang muling may aalagaang baby. (Nitz Miralles)
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco