Namatay ang isang lalaki at nasugatan ang kanyang kasama matapos sumabog ang isang vintage bomb na kanilang hinati sa pag-aakalang may laman itong ginto, sa Sitio Kamanggahan, Barangay Upper Pakigne, Minglanilla, Cebu, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Minglanilla Municipal Police Station (MMPS) nakilala ang namatay na si Michael Respecio, 48, ng nasabing lugar.

Ginagamot naman sa ospital si Leonilo si Adlawan, 43 anyos.

Sinabi ni Marissa Fernandez, kabitbahay ni Respecio, na nagulat siya nang makarinig ng malakas na pagsabog.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa kanya, nakita ng dalawang biktima ang lumang bomba na nakabaon malapit sa kubo ni Respecio habang nangangalkal ng basura. Sa pag-aakalang may lamang ginto, hinati ng mga ito ang bomba gamit ang grinder, ngunit bigla itong sumabog. (Fer Taboy)