Joshua at Loisa copy

TIYAK na marami ang mag-aabang sa totoong kasaysayan ng isang bakla na umibig sa isang babae na itatampok ng Maalaala Mo Kaya.

Panoorin kung paano babaguhin ng pag-ibig ang puso ng isang tao sa kuwentong pagbibidahan ng teen stars na sina Joshua Garcia at Loisa Andalio sa MMK ngayong Sabado (Feb 13).

Mula pagkabata, alam na ni Ernesto (Joshua Garcia) na isa siyang bakla ngunit itinatago niya ito dahil sa takot niya sa kanyang ama. Pero nang makilala niya si Jonna (Loisa Andalio), isa sa mga kaklase niya, nagulat siya nang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa dalagita na kalauna’y naging nobya niya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Dumating ang panahon na kinailangang umalis ng pamilya ni Ernesto sa probinsiya at tumungo ng Maynila. Pagdating sa Maynila, nakaramdam ng kalayaan si Ernesto at tuluyan na ngang inilantad ang kanyang tunay na pagkatao. Mula sa pagiging Ernesto, siya ay naging si Barbie at nakilala ang binatang si Jason na nakapagpakalimot sa kanyang nararamdaman kay Jonna. Ngunit nang malaman niyang ginagamit lamang pala siya ni Jason para sa pera, nakipaghiwalay siya rito.

Pagkaraan ng dalawang taon, nagdesisyong bumalik ang pamilya ni Ernesto sa probinsya. Bilang Barbie, muling nagkita sina Ernesto at Jonna. 

Paano matatanggap ni Jonna na bading pala si Ernesto? Manumbalik pa kaya ang kanilang pagtitinginan? Paano mababago ni Jonna ang puso ni Ernesto?

Kasama rin sa MMK episode bukas sina Aleck Bovic, Rommel Padilla, Bugoy Cariño, Patrick Sugui, Marlann Flores, Johan Santos, Kokoy de Santos, Bryan Homecillo, Maritess Joaquin, at Kamille Filoteo.

 

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Samantala, maaari nang panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.