IBINAHAGI ni Toni Gonzaga ang love story nila ng asawang si Paul Soriano sa pamamagitan ng mga awitin sa pinakabago niyang album na My Love Story ng Star Music.

“Music can move you in different ways. And when you’re in love, it echoes the emotional chord of your heart. Once in a while, you will bump into songs that speak so much of how you feel at that moment,” pahayag ni Toni.

Kabilang sa My Love Story ang covers ng anim na awitin gaya ng When You Say Nothing at All, You & Me, Your Love, I Won’t Give Up, Falling Slowly, at ang unang single ng album na Baby, Now That I’ve Found You.

Espesyal din ang album dahil mayroon itong interludes sa bawat kanta na isinasalaysay ni Toni ang kanyang mga pananaw sa pag-ibig, pati na ang mga karanasan niya kasama ang asawang si Paul Soriano bago pa man sila ikasal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Laman din ng album ang 2015 version ng tinatawag ni Toni na “love theme of my life,” ang hit song niyang Catch Me, I’m Falling na ang music video ay idinirek ni Paul.

Ang My Love Story ay napapakinggan na sa Spotify at mabibili sa halagang P250 sa record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Amazon.com, ABS-CBN Store, OneMusic.ph at Starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.