Boobsie, Ate Gay, Papa Jack, at Galdys copy

ALL set, as in handang-handa na ang pinakamahuhusay na stand-up comedians na sina Ate Gay, Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, Boobsie Wonderland kasama ang Metro Manila’s hottest FM radio personality na si Papa Jack.

Mapapanood sila sa Valentine comedy concert na Panahon ng May Tama: Comekilig sa Sabado, February 13 ng gabi sa Araneta Coliseum, no less!

Produced by CCA Entertainment Productions Corp ni Joed Serrano, ibang putahe naman ang handog ng concert director na si Andrew de Real, ang isa sa mga nasa likod ng matagumpay na Sunday Pinasaya ng GMA.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ayon kay Papa Jack, na walang kaduda-dudang super-sikat na DJ sa FM radio, may isa siyang production number na aniya’y “magpapainit” sa gay and female audience.

Mukhang ito nga ‘yung sinasabing “surprise number” na gagawin ni Papa Jack.

Totoo bang mag-ma-Magic Mike number siya (sexy dance number ng lalaki)?

“Parang gano’n na nga,” pag-amin ni Papa Jack, na for sure ay ikagugulantang ng kanyang loyal followers.

Gagawin din niya ang advice portion na tulad ng ginagawa niya sa kanyang 90.7 Love Radio show.

“May flavor pa rin, ganoon, pero with a twist,” sabi niya.

Ito na ang super big challenge sa career niya, ang mag-perform sa Big Dome kasama ang pinakamatitinik na stand-up comedians ng bansa. (MELL T. NAVARRO)