Coleen copy

ISANG buwan na ang nakakaraan simula nang ihayag ni Coleen Garcia na titigil na siya sa pagho-host sa It’s Showtime para mag-concentrate sa akting. Sa kabila ng naturang pahayag, marami pa rin ang umaasang mapapanood uli siya sa Kapamilya noontime show. 

“I’m no longer with them (It’s Showtime). Actually kasi parang it only became official now pero the entire half of 2015 which is probably around the time this show (Pasion de Amor) started, hindi na ako masyado pumapasok. As in mabibilang mo.

“Actually my hairstylist sent me a bill at the end of the year and nakita ko, grabe, mabibilang mo na lang talaga kung ilang beses na pumasok ako sa Showtime. I think kasi in a way it’s also unfair to the show kung sasabihin ko na kabilang ako ‘tapos hindi ko naman siya napa-prioritize. Hindi ko rin naman siya nagagawang commitment.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I can’t commit myself to the show. And napagdesisyunan ng management that maybe it’s better if I focus on acting kasi mas nag-grow din daw ako doon,” pahayag ni Coleen sa thanksgiving presscon ng Pasion de Amor, na magtatapos na sa February 26.

Ang mga kasabay nitong project, ang Pasion de Amor at pelikulang Ex With Benefits, ang naging dahilan kung bakit hindi na niya sinisipot ang It’s Showtime.

“’Yong iba kasi actually sa Showtime nagkakailang projects din naman like for example si Vice Ganda had MMFF, sina Anne Curtis had different movies, pero after that natatapos na. ‘Yong sa akin kasi sa Pasion de Amor, ‘tapos may ‘sinabay pa akong movie,” paliwanag niya.

Matitindi man ang love scenes ni Coleen with her leading man, Joseph Marco, thankful siya na hindi mahigpit ang kanyang boyfriend na si Billy Crawford sa kanyang trabaho.

“It was very good working with each other. Bihira lang din ‘yong opportunity na makaka-work mo ‘yong taong ito ng gano’n karaming buwan. It’s really a privilege to have been a part of something that lasted that long. And parang naging close rin kami sa isa’t isa. ‘Pag may break naggi-gym kami, so ma-mi-miss ko din ‘yong mga ‘yon. Mami-miss ko ‘yong talking to the girls sa tambay areas and just getting to know them little by little.”

Nagseselos ba si Billy sa kanyang love scenes with Joseph Marco? 

“Hindi ko na ipinapaalam sa kanya, let’s say may gagawin kaming (love scenes) ni Joseph, hindi ko na sinasabi sa kanya,” sagot ni Coleen.

Good for her na artista rin ang kanyang boyfriend at naiintindihan nito ang kanyang ginagawa.

“Alam naman niya na trabaho lang,” pagtatapos ni Coleen. (Ador Saluta)