Obit-Daniel Gerson

PUMANAW na si Daniel Gerson, sumulat ng iba’t ibang Walt Disney animated film katulad ng Monsters, Inc. at Big Hero 6, nitong Sabado. Siya ay 49.

Ayon sa pahayag ng pamilya ni Gerson, pumanaw siya sa kanyang tahanan sa Los Angeles noong Sabado matapos makipaglaban sa cancer. Si Gerson ay naging contributor sa Pixar Animation, isa sa mga sumulat ng Monsters, Inc. noong 2001 at ng 2013 sequel nito na Monsters University.

Katuwang sina Robert L. Baird at Jordan Roberts, sinulat ni Gerson ang Disney’s Oscar-winning na Big Hero 6, isang animated superhero tale.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Gerson, ipinanganak sa New York City, ay nagsimula bilang manunulat sa NBC comedy na Something So Right.

Si Gerson ay may dalawang anak sa asawang si Beau Stacom. (Associated Press)