Pebrero 10, 1970 nang mamatay ang 42 katao at 80 iba pa ang malubhang sugatan matapos gumuho ang niyebe sa isang resort sa Val d’Isere, France. Noong panahong iyon, karamihan sa mga panauhin ay nasa loob ng isang malaking kuwarto na nakaharap sa isang bundok, at kumakain ng agahan.

Ilang saglit lang, biglang gumuho ang nasa 100,000 cubic yards na niyebe mula sa bundok, na lumikha ng tunog ng pagsabog. Winasak ng niyebe ang mga bintana ng hotel, na nakaapekto sa mga panauhin, at natabunan ang mga sasakyan at naharangan ang mga daan papasok sa hotel. Hindi rin makagalaw ang ilan sa mga tao matapos silang mabaon sa niyebe.

Nahirapan ang mga biktima, karamihan ay bata, na maiwasan ang pagguho. Idineklara ni noon ay French President Georges Pompidou na isang “national tragedy” ang insidente.
Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos