Jordan Norwood

CALIFORNIA (AP) – Kabilang na rin ang Pinoy sa kasaysayan ng NFL.

Naiukit ni Jordan Norwood, kapatid ni Gilas Pilipinas at Rain or Shine forward Gabe Norwood, ang record 61-yard punt return sa second quarter ng Super Bowl 50 na napagwagihan ng kanyang koponang Denver Bronco laban sa Carolina Panthers Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Levi’s Stadium sa Santa Clara.

Ang nagawa ni Norwood ang naging mitsa para makaiskor ang kasanggang si Brandon Mcmanus sa 33-yard goal.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Gabe sa tagumpay ng kapatid na personal niyang pinanood.

Sa kanyang Twitter, pinarangalan niya at binati ang nakababatang kapatid.

“SUPER BOWL CHAMPS!!! Congrats lil brother @@jordaNorwoodand the #Broncos! Mensahe ni Gabe sa kanyang Twitter accountGNorwood5.