GINULAT ni Kris Aquino ang followers niya sa Instagram (IG) nang bigla siyang mag-post last Sunday afternoon.

January 26, pa ang last post ni Kris, habang nasa Thailand siya at hindi sanay ang kanyang followers na wala siyang updates at nananahimik siya.

Kung anu-anong espekulasyon ang naisip ng kanyang IG followers sa matagal niyang hindi pagpaparamdam at may nag-isip pa ngang may hindi magandang nangyari sa kanya.

Pero last Sunday, biglang nag-post si Kris ng greeting kay President Noynoy Aquino na 56th birthday kahapon. Obvious na nagustuhan ng kanyang followers ang collage ng picture ni PNoy kasama siya at mga anak na sina Josh at Bimby dahil ilang minuto pa lang simula nang mai-post, umabot na sa 9,621 ang likes at may 379 comments.

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'

Sa tanong ni Kris na, “Na-miss n’yo ba ‘ko?” sinagot siya ng “yes” ng kanyang followers na nag-request sa Queen of All Media na huwag na uling magpa-miss sa IG.

Siguro naman, isa sa mga araw na ito, sasabihin ni Kris ang rason kung bakit matagal siyang nawala sa IG.

Kaya lang, mukhang aalis na naman si Kris, isi-celebrate niya ang kanyang birthday sa ibang bansa, pero to be confirmed pa kung saan, kaya hindi muna namin isinulat. (NITZ MIRALLES)